Wednesday, September 9, 2009

Storm Signal No. 1 ng Bagyong Maring, nakataas sa 5 lalawigan sa Luzon at Lubang Island

Napanatili pa rin ni Bagyong Maring ang lakas nito habang binabaybay ang direksyong hilaga-hilagang-kanluran.

Huling namataan ang Bagyong Maring sa layong 230 kilometro kanluran ng Dagupan City.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Nakataas pa rin ang Storm Signal No. 1 sa Ilocos Sur, Zambales, La Union, Kanlurang Pangasinan, Bataan at Lubang Island.

Dahil ditto, otomatikong suspendido ang pasok sa pre-school sa mga apektadong lugar.

Bukas ng umaga, si Maring ay inaasahang nasa layong 300 kilometro ng kanluran hilagang-kanluran ng Dagupan City.

Inaasahang pag-iibayuhin ng bagyo ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa gitna at katimugang Luzon.

Paalala ng PAGASA sa publiko, mag-ingat sa posibleng pagragasa ng tubig-baha at pagguho ng lupa.



No comments:

Post a Comment